Huwebes, Setyembre 8, 2016

Tiwala na NAWALA?

Sabi nila ang tiwala daw mahirap ng maibalik kaya kung binigyan ka ng tiwala ng isang tao pahalagahan mo dapat, dahil hindi mo alam na baka ang akala mong tiwala na ibinigay sayo mawala na lang bigla.
Nais ko kayong bigyan ng isang kwento tungkol kina Jane at Mico, mula pagkabata nila sila ay matalik na magkaibigan, hanggang sa pagkagraduate nila ng High school, si Jane ay kumuha ng Pharmacist habang si Mico ay nag Seaman, nasa iisang Unibersidad lang sila kaya naman madalas silang magkasama at halos napagkukwentohan nila ang mga nangyayari sa araw-araw.
Isang araw, "MICO!!" sigaw ni Jane na umiiyak, "Bakit?!" nagaalalang tanong ni Mico, "May nalaman ako, si Papa meron ng ibang pamilya!!. Paano to? paano na kami?!, hindi ko alam kung kakayanin ko!!" wika ni Jane habang umiiyak. Sa mga panahong iyon masyadong emosyonal si Jane kaya sa mga araw ng kalungkutan ni Jane nasa tabi nya si Mico na handang damayan sya sa sakit na nadarama. Masasabi ko talagang tadhana na ang nagsabi na nakatadhana sila sa isa't isa dahil alam nila ang mga kahinaan, kalakasan at kasiyahan ng isa't isa.
Makalipas ang ilang araw hindi na mapigilan ni Mico ang nadarama nya kay Jane kaya di nagtagal inamin na ni Mico na gusto nya si Jane, hindi na rin naglihim si Jane na gusto nya rin si Mico kaya naman naging sila.
Sumunod na araw tinanong ni Jane si Mico kung tutulad ba sya sa Papa nya,"HINDI!, itaga mo pa sa bato, gumuho man ang mundo, hinding hindi yun mangyayari dahil meron paring matitirang ikaw at ako, Promise!", simula nun buong tiwala ni Jane ang binigay nya kay Mico. Nang makapagtapos sila ng pagaaral kinakailangan ni Mico na umalis at pinayagan din ito ni Jane dahil para rin ito sa kinabukasan nila. Hanggang sa ilang taon ang lumipas hindi na nagparamdam si Mico, walang sulat, text o tawag man lang kay Jane kaya si Jane ay hindi mapakali sa kakaisip kung anong gagawin nya, nagdesisyon na lang sya na puntahan nya ang asawa nya. At nang makarating doon, agad nyang hinanap si Mico at ng makita nya ito may asawa't anak na ito na kapwa Pilipino rin, nang makita nya iyon biglang lumuha ang mga mata nya sa paglapit nya kay Mico at sinampal nya ito at sinabing "Akala ko ba ikaw lang at ako? gumuho man ang mundo, bakit ganon saan ako nagkamali? nagkulang ba ako?, mahal mo ko pero naghanap ka ng iba! hindi ka pa nakuntento! yung tiwala na binigay ko sayo ngayon WALA NA!!" tapos umalis si Jane, hahabulin sana ito ni Mico para magpaliwanag na hindi nya asawa at anak yun at mali ang kanyang pagkakaintindi kaso mabilis na itong nakaalis.
At nang makabalik si Mico dito sa Pilipinas nabalitaan nyang hindi kinaya ni Jane ang depresyon na syang nagdulot ng ikinamatay nito, nang mabalitaan yun nabalot ang buong mundo ni Mico ng kalungkutan.